Marami siguro sa atin ang hindi alam kung ano o saan nga ba ang Socotra Island o kung meron nga bang ganitong isla na nage-exist. Isa lang ang masasabi ko, mukha siyang giling sa libro!
Ang Socotra ay isang islang pagmamay-ari ng Yemen na matatagpuan sa Indian Ocean, sa baybayin ng Somalia. Isa ito sa pinaka-isolated island ng Africa. Nahiwalay ito sa Africa mga anim na milyong taon na ang nakaraan.
Ang pagiging isolated nito at ang labis na init at tagtuyot, bagyo mula May hanggang September at ang iba pang espesyal na climactic conditions sa mabundok na rehiyon na ito ang dahilan ng kakaibang flora at fauna na nadevelop sa isla. Dahil dito nakasali ang Socotra sa UNESCO World Heritage List.
Ang simbolo ng Socotra ay Dragon Tree, na mukhang malaking kabute o payong. Mula sa kahoy ng punong ito, kapag hiniwa ay magsisimulang tumulo ang pulang katas, na agad namang mamumuo. Simula pa noong unang panahon ginagamit na ang red sap na ito sa maraming bagay tulad ng para sa cosmetics, veterinary at kung anu-ano pa. Naniniwala rin silang nakapagpapatigil ito ng regla.
Kapag nakita mo ang mga larawang ipakikita namin ay siguradong idadagdag mo ang Socotra Island sa iyong bucket list, bukod pa sa picture perfect, sand dunes at magandang dagat ay talaga nga namang mare-relax ka dito. Kaya naman ipakita mo na sa iyong barkada at kapamilya para mas masaya ang trip.
Para sa mas marami pang libreng world tour, bisitahin lamang ito.
#1
#2
#3
#4
#5