Home Pinaka Top 20 ng Pinakamagagandang Babae sa Mundo (2019)

Top 20 ng Pinakamagagandang Babae sa Mundo (2019)

Kahit pa iba-iba tayo kumilatis at tumingin ng ganda ng isang tao, hindi natin maipagkakaila na talagang may mga mukha na masasabi nating maganda, anumang lahi o kahit nasaang parte ka man ng mundo. Narito ang ilan sa may mga pinakamagagandang mukha sa mundo na talaga namang mapapahanga ka.

Top 20 ng Pinakamagagandang Babae sa Mundo (2019)

20. Golshifteh Farahani

Golshifteh Farahani

Actress, Musician, Singer.

Si Golshifteh Farahani ay isang Iranian actress at singer. Lumabas na siya sa 35 films at marami sa mga ito ang nakakuha ng international recognition. Nanominate siya bilang Most Promising Actress Award sa film niyang The Patience Stone noong 2014 Cesar Awards sa France at nanalo ng Best Actress Award mula sa film niyang Boutique sa 26th Nantes Three Continents Festival (France). Kasalukuyang naninirahan ang actress sa France.

19. Ju Jingyi

Ju Jingyi 2 Ju Jingyi

Singer, Actress.

Si Ju Jingyi ay isang Chinese singer at actress na nakilala bilang miyembro ng Chinese idol girl group na SNH48. Taun-taon ay nagkakaron ng General Elections ang mga miyembro ng SNH48 at naelect siya na No.4 (2014), No.2 (2015), No.1 (2016) at No.1 (2017) sa 100 na miyembro nito. Bilang isang actress, kilala siya sa role niya sa historical romance drama na Legend of Yunxi (2018) at mythology drama na The Legend of White Snake (2019).

18. Antonia Iacobescu

Antonia Iacobescu

Singer, Performer, Model.

Si Antonia Clara Iacobescu, kilala din bilang Antonia, ay isang Romanian singer, performer at model.

Limang taon siya ng lumipat siya sa US kasama nang kanyang pamilya. Lumaki siya sa states of Utah at Nevada kung saan nagtapos siya ng high school at nagsimulang pasukin ang modeling world. Nagparticipate na siya sa daan-daang photo shoots para sa mga catalogs ng malalaking kumpanya gaya ng Lenz at Ford Models. Inilaunch niya ang kanyang sariling clothing line na tinatawag na MOJA noong 2013.

17. Adelaide Kane

Adelaide-Kane

Actress.

Nakilala ang Australian actress na si Adelaide Victoria Kane sa kanyang mga roles gaya ng Lolly Allen sa Australian soap opera na Neighbours, Cora Hale sa third season ng MTV’s Teen Wolf, Tenaya 7 (later Tenaya 15) sa Power Rangers RPM, Mary, Queen of Scots sa CW period drama series na Reign at Drizella sa ABC series na Once Upon a Time.

16. Sonia Ben Ammar

Sonia Ben AmmarSonia Ben Ammar model

Model, Actress, Singer.

Si Sonia Ben Ammar ay isang French-Tunisian fashion model, singer at actress. Ipinanganak siya sa Paris, ang kanyang ama ay si Tarak Ben Ammar, isang film producer at ang kanyang ina ay si Beata Ben Ammar.

15. Emma Watson

Emma Watson

Actress, Model, Activist.

Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Emma Watson? Siya ang gumanap bilang Hermione Granger sa isa sa pinakasikat na film-series na Harry Potter. Bukod sa pagiging actress, siya din ay isang model at activist. Siya ay isa sa pinakatalented at highest paid actress sa Hollywood. Gumaganap din siya bilang UN Women Goodwill ambassador at tumulong maglaunch ng UN Women campaign HeForShe, na nag-aadvocate ng gender equality sa mga lalaki.

14. Jourdan Dunn

Jourdan Dunn

Supermodel, Actress, Designer.

Si Jourdan Sherise Dunn ay isang English supermodel at Actress. Nadiskubre siya sa Hammersmith Primark noong 2006 at di kalaunan ay nagsign ng contract sa Storm Management so London. Isa si Dunn sa listahan ng mga top-earning models ayon sa Forbes at kauna-unahan black British model na makasama sa listahan.

13. Yaya (Urassaya Sperbund)

Urassaya Sperbund beautiful

Thai Actress.

Si Urassaya Sperbund, o mas kilala rin sa tawag na Yaya, ay isang Thai actress na may Norwegian descent. Kilala siya sa kanyang role sa mga film na Duang Jai Akkanee, Game Rai Game Rak, Torranee Ni Nee Krai Krong, Kleun Cheewit at The Crown Princess. Bukod sa kanyang acting career, isa din siyang endorser ng mga kilalang brand katulad ng Maybelline, Pantene at Uniqlo.

12. Banita Sandhu

Banita Sandhu beautiful

Actress.

Si Banita Sandhu ay isang British-Indian model at actress. Pinanganak siya sa Caerleon, South Wales at mayroon siyang Punjabi descent. Lumabas na rin siya sa maraming commercial sa Indian TV gaya ng Vodafone, Double mint Chewing Gum etc..

11. Lisa (Lalisa Manoban)

Lalisa Manoban beautiful

Singer, Rapper, Dancer, Model.

Hit you with that ddu-du ddu-du du~

Si Lalisa Manoban o mas kilala sa tawag na Lisa, ay isa sa miyembro ng South Korean girl group na BLACKPINK. Siya ay pinanganak at lumaki sa Bangkok, Thailand, at lumipat siya ng South Korean noong 2011 upang pormal na magtraining para sa kanyang K-pop Idol career sa ilalim ng YG Entertainment na tumagal ng limang taon.

10. Camilla Belle

Camilla Belle beautiful

Actress.

Si Camilla Belle ay isang American actress at nagsimula ang kanyang career noong siya ay 9 buwan gulang pa lang ng siya ay lumabas sa isang print ad. Noong 5 taong gulang siya, lumabas siya bilang lead sa kanya unang film na Trapped Beneath the Earth. Ilan sa kanyang mga kilalang films ay: The Ballad of Jack and Rose, When a Stranger Calls, 10,000 BC, The Quiet, Push, at Breakaway. Kilala siya sa kanyang role na Sydney Miller in Rip Girls at Lizzy Buscana in Back to the Secret Garden.

9. Sarah Gadon

Sarah Gadon beautiful

Canadian Actress.

Si Sarah Lynn Gadon ay isang Canadian actres na unang nakilala sa kanyang performance sa David Cronenberg’s films na A Dangerous Method at Cosmopolis. Nag-guest starred na rin siya sa iba’t ibang tv series gaya ng Are You Afraid of the Dark?, In a Heartbeat, Mutant X, at Dark Oracle.

8. Oktyabrina Maximova

Oktyabrina Maximova beautiful

Russian Model.

Ang 22-years-old na Russian model, si Oktyabrina Maximova ay narecognized na mas maganda pa kay Margot Robbie at Cara Delevingne. Sa kabila nito, kakaunti lang ang nakakakilala sa kanya ngunit di natin maikakaila na talagang maganda siya. Nag-aaral siya sa Petersburg University of Management and Economics.

7. Taylor Hill

Taylor Hill beautiful

American Model.

Si Taylor Hill ay isang American model at Victoria’s Secret Angel simula pa noong 2015. Isa din siya sa pinakamaraming followers na model sa instagram.

6. Hande Erçel

Hande Ercel beautiful

Actress, Model.

Isang Turkish actress at model si Hande Ercel at isa sa pinakamaganda at talented na babae sa kanilang bansa at sa buong mundo. Aktibo siya sa showbiz simula pa noong 2013 na isa ding fashion designer.

5. Nana (Im Jin-Ah)

Im Jin-Ah beautiful

Singer, Dancer.

Si Im Jin-ah, kilala rin bilang Nana, ay isang South Korean singer, actress at model at kilala rin sa kanyang pagiging former member ng South Korean girl group na After School at mga subgroups nito (After School Red at Orange Caramel). Gumanap na rin siya bilang actress sa iba’t ibang tv drama gaya ng Love Weaves Through a Millennium (2015), The Good Wife (2016), Kill It (2019) at Justice (2019).

4. Yael Shelbia

Yael Shelbia beautiful

Israeli Fashion Model, Actress.

Si Yael Shelbia ay isang Israeli fashion model at actress. Lumabas na siya sa iba’t ibang international modelling campaigns. Nailista siya na 3rd most beautiful face in the world noong 2018. Siya ay naging leading model para sa Castro simula noong 2017.

3. Liza Soberano

liza soberano beautiful

liza soberano model

Filipino-American Actress.

Sino bang hindi nakakakilala on our very own Liza Soberano? Isa siya sa nagpakita sa buong mundo na ang ganda ng Filipina ay talagang pangWorld class. Sa loob ng limang taon ay palagi siyang kasama sa listahan ng pinakamagagandang babae sa mundo at naging top 1 sa pinakamagandang babae noong 2017. Nakilala din siya sa kanyang role sa mga Filipino tv series at films gaya ng Wansapanataym (2011), Kung Ako’y Iiwan Mo (2012), She’s the One (2013), Must Be… Love (2013). Isa sa pinakakilala niyang role ay ng gumanap siya bilang Agnes sa romantic comedy tv series na Forevermore (2014–2015) kasama si Enrique Gil.

2. TZUYU (Chou Tzu-yu)

tzuyu beautiful

Singer, Model, Dancer.

Si Tzuyu ay isang Taiwanese singer na nakatira ngayon sa South Korea at kilala bilang member ng K-pop girl group na Twice. Ipinanganak siya sa Tainan, Taiwan at lumipat sa South Korea kung saan lumabas siya sa isang Korean reality show na Sixteen noong 2015.

1. Thylane Blondeau

Thylane Blondeau beautiful

French Model, Actress.

Si Thylane Léna-Rose Loubry Blondeau ay isang French model. Nagsimula siya sa kanyang modeling career noong siya at apat na taong gulang pa lamang. Noong 13 pa lamang siya ay lumabas na siya sa isang cover ng magazine na Jalouse at nagsign siya sa IMG Models noong 2015.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Eggsayting Kyaraben! 🥚🍱

Matutuwa ka kaya kung araw-araw itlog ang pagkain mo? Bago mo sagutin yan, isang nanay ang nagpamalas ng kanyang galing sa paghahanda ng pagkain...

“Before And After” Photos ng Mga Taong Nagpatunay na Walang Imposible

Alam naman nating lahat na isa ang obesity sa problema na lalong lumalala habang tumatagal. Sa US palang, halos 2/3 ng adults o halos...

Mga Dog Transformation Pagkatapos ng Grooming

Minsan, kung gusto nating magsimula ng bagong yugto sa ating buhay madalas nating ginagawa ay nagpapagupit tayo. Alam mo ba na hindi lang ito...

Baby Spiderman + Cats = Funny and Cool Pictures

Sino ang paborito mong superhero? Superman? Spiderman? Batman? Captain America? Wonder Woman?  Darna? Captain Barbel? Pedro Penduko? O nanay mo? Marvel man o DC...

Mga Nakakatawang Hybrid Animals 🤣

Likas sa mga Pinoy ang pagiging mahilig sa hayop. Halos lahat ay may aso o pusa sa bahay, isama mo na rin ang manok...

Larawan ng mga Tao na Mas Masaklap ang Araw Kaysa Sayo

Alam Niyo Ba ang ibig sabihin ng salitang German na “Schadenfreude”?  Ito ay ang tinatawag natin na Tuwang Hudas o ang  kasiyahan sa mga...

Hot Stories

Mga Dog Transformation Pagkatapos ng Grooming

Minsan, kung gusto nating magsimula ng bagong yugto sa ating buhay madalas nating ginagawa ay nagpapagupit tayo. Alam mo ba na hindi lang ito...