Naranasan mo na bang habang pauwi ka mula sa mahabang byahe ay lumagpas ka o hindi mo mahanap kung saan ang bababaan mo. Hassle ‘no?
Posibleng mangyari yan kung bago ka sa lugar o di kaya naman, bago yung lugar. Ang masaklap pa ay kung ang tinitirhan mo ay binago ng isang talentadong French artist gaya ni Patrick Commecy. Si Patrick kasama ng kanyang grupo, ay lumilikha ng malalaking murals na sobrang makatotohanan na kung saan ang dating boring na siyudad ay nagkakaroon ng buhay at sigla. Maliligaw ka naman talaga!
Ang mas nakakamangha pa dito, ang mga nilikha niyang mukhang makatotohanan ay talaga namang malalansi o madadaya ka sa unang tingin. Bukod dito, ang mga pinipinta niya ay mga kilalang tao sa kasaysayan ng lugar kung saan niya ginawa ang mural.