Ikaw ba ay isa sa mga taong mahilig mag-DIY at magsinop ng mga magagandang packaging? Halina at mag-eksperimento ng kakaibang masterpiece gamit ang packaging na tinatagu-tago mo. Ilabas na ang artistic side at ma-inspire sa mga likha ni Haruki.
Si Haruki ay isang Japanese artist na may kakaibang talento. Ang mga simpleng packaging ng grocery items gaya ng Pringles, Meiji at Lotte ay binibigyang-buhay niya sa kakaibang anyo. Gumagamit siya ng technique na kirigami, isang baryasyon ng origami, kung saan ay kalakip nito ang paggugupit at pagtutupi ng papel upang makalikha ng kakaibang disenyo.
Ang kirigami ay karaniwang gamit sa tradisyunal na Japanese art ngunit si Haruki ay may kakaibang diskarte para sa kanyang sariling art style.
Narito ang ilan sa mga produkto ng kakaibang imahinasyon ni Haruki: