Home Pinaka Rarest Cars sa Buong Mundo

Rarest Cars sa Buong Mundo

Isa sa pinakamahirap kolektahin ang rare cars dahil sa halaga nito. Maaring bihira ito dahil kaunting models lamang ang ginawa, o dahil sa edad, o di naman kaya ay dahil sa kakaibang disenyo. Maaari itong ibenta sa malaking halaga sapagkat siguradong kayang-kayang bilhin ng mga serious collectors ang mga mamahaling sasakyan na ito para lamang mapasakamay nila.

Para sa kolektor ng mga bihirang kotse na ipakikita namin ngayon, hindi naman talaga problema ang pera para sa kanila. Ito ang listahan ng sampu sa mga pinakabihirang kotse na makikita mo sa buong mundo at tiyak na pambihira din ang halaga na binayaran o babayaran ng mga taong gustong mapasakamay ito.

#1 1921 Helica De Leyat

Ang sasakyang ito ay mukhang nabuo dahil sa pagsasama ng hovercraft at ng horse carriage. Buti nalang ay 30 lamang ang bersyon nito. Hindi alam kung magkano ang halaga nito, at medyo sigurado rin kaming walang magbabayad ng malaking halaga para rito.

#2 Packard Panther

Ang kotseng ito ay ginawa around 1954 at limitado lamang ito. Kung iniisip mong bumili ng isa, kailangan mong gumastos ng $800,000 at talaga nga namang isa itong magandang uri ng old car. Ang disenyo ng sasakyan ay ang karaniwan mong makikitang disenyo sa panahon na iyon.

#3  Tucker ‘48

Gaya ng nasa pangalan, ginawa ang model na ito around 1948. 51 lamang ang ginawa bago magsara ang kumpanya. Maaari kang bumili ng isa sa halagang $1.2 million.

#4 Aston Martin Bulldog

Ang dahilan kung bakit isa ito sa mga bihirang kotse ay dahil isa lamang nito ang ginawa. Ang tunay na plano ay gumawa ng 25 na unit, ngunit hindi ito natuloy. Kung gusto mong bilhin ang kotseng ito kailangan mong maglabas ng $1.3 million. Pwera nalang kung tataasan pa ng may-ari ang halaga, dahil maaari naman nila itong gawin.

#5 Mercedes Benz 300SL Gullwing

Ang produksyon ng sasakyang ito ay noong 1957 hanggang 1963. Mayroong napaka-unique na gullwing doors ang well restored 300SL. Ito ay nagkakahalaga ng $1.5 million sa panahon ngayon. Tulad ng inaasahan sa Mercedez, hindi ito mumurahin – oldie but goodie ika nga.

#6 Talbot Lago Grand Sport

Ang nakakahalinang sasakyan na ito ang magiging itsura ng Batmobile kung si Batman a isang classy Brit. Labindalawang model lamang nito ang ginawa at ang bawat isa ay may presyong humigit kumulang $2.5 million.

#7 Porsche 916

Ang 916 prototypes na ito ay ginawa noong early ‘70s at isa ito sa pinakamabibilis na sasakyan – halata naman dahil ito ay Porsche. Labing-isa lamang nito ang ginawa at isa lang ang nasa United States. Ang 10 ay malamang nasa Dubai. Ang masterpieces na ito ay binebenta ng $3 million sa private market.

#8 1954 Oldsmobile F-88

Ang sasakyang ito ay 250 horsepower gem mula 50s.Apat na model lamnag ang ginawa at nagkakahalaga ito ng $3.5 million ayon na rin sa kasalukuyang collector’s market. Siguradong head turner ang datingan ng isang ito!

#9 Ferrari 250 GT Spyder

Isang Ferrari 250 GT Spyder lamang ang ginawa at ang sasakyang ito ay gagastos ka ng halos $10 million, na nangangahulugang hindi natin ito basta-basta afford.

#10 Rolls-Royce 15 HP

Gusto mo bang alamin kung gaano na katanda ang sasakyang ito? Ginawa ito noong 1904, at sa katunayan ito ang kauna-unahang Rolls-Royce. Anim lamang nito ang ginawa at karamihan ng insurance companies ay pinepresyuhan ito ng around $35 million.

Previous articleKomedyanteng Hayop
Next articleHayop sa Genes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Best Actors ng Batang 80s-90s

Karamihan sa mga action movie celebrities na nakarating ng Hollywood, ay dahil sa magagandang physical skills nila. Ang ilan ay Olymphic athletes atang iba...

Cute na Graduation Pictures ng mga Doggo

Sino ba ang hindi nakakaalam sa phrase na "Dogs are man's bestfriend"? Hindi natin maikakaila na ang mga aso ay parte na ng buhay...

Work from Home + Pet = Funny Disaster! 🐶

Sanhi ng corona virus pandemic, marami ang apektadong kawani mapa-publiko o pribado mang sektor. Anu’t-ano pa man, makakahanap at makakahanap pa rin ng paraan...

Sining Gamit ang Simpleng Product Packaging! Ang Galing!

Ikaw ba ay isa sa mga taong mahilig mag-DIY at magsinop ng mga magagandang packaging? Halina at mag-eksperimento ng kakaibang masterpiece gamit ang packaging...

Juan Ponce Enrile Immortal Meme Compilation 🤣

Sa likod ng immortal memes ni Juan Furagganan Ponce Enrile Sr., ano nga ba ang kwento ng kanyang buhay? Si Juan Ponce Enrile, kilala rin...

Creepy o Nakakadiri???

Sa sobrang pagkahumaling natin sa Internet, minsan kailangan natin ng distraction. Paano nga ba natin magagambala ang mga busy sa Tiktok, FB, games at...

Hot Stories

Creepy o Nakakadiri???

Sa sobrang pagkahumaling natin sa Internet, minsan kailangan natin ng distraction. Paano nga ba natin magagambala ang mga busy sa Tiktok, FB, games at...