Gaano kalupit ang editing skills mo? Sa sobrang husay ng isang artist, ang Disney World ay nagdya-jive sa totoong mundo ng mga tao. Certified Photoshop Master!
Silipin natin ang mga likha ni Andhika Muksin, isang Jakarta-based artist na mahilig sa Disney at may angking galing sa Photoshop. Sa kanyang mga obra, pinagsasama niya ang Disney characters sa mga totoong kaganapan katulad na lamang ng fashion show, Coachella o di naman ay nasa iba’t-ibang lugar gaya ng airport, classroom atbp.
Sa kasalukuyan ay nasa 532k followers na ang IG ni Muksin.