Kung nakita mo na at nalaman ang kasikatan ng ilang internet-famous stars gaya nila Doug the Pug, Jiff Pom, at Nala Cat, na mayroong milyon-milyong followers ay iisipin mo talagang parang pinanganak sila para sa camera, kung hindi man ay para sa Hollywood.
May pagkakataong nais mong bigyan ng DIY photoshoot ang iyong alaga ngunit pagtingin mo ng camera roll ay mapapa-expectation vs reality ka naman talaga. Ang mas malala pa ay ang ilan sa ating mga alaga ay ang kabaligtaran ng pagiging photogenic, na pagtingin mo sa larawan nila ay nagmumukha silang ewan.
Ngayon ay makikita natin ang ilang larawan na nagpapakita na gaano man kapangit ang mga alaga natin ay hindi parin nating mapigilang isipin na sila ang pinakamagandang pet ang mayroon tayo.