Isa ka ba sa mahilig sa sashimi? Isang culinary artist si mikyoui00. Bagamat walang edukasyon tungkol sa sining, ay nais turuan ang kanyang anak tungkol sa ‘food preparation’ at nais rin niyang mahalin ito ng kanyang anak. Kumbaga, like father like son o di kaya ay magkaroon sila ng ‘shared passion’.
Naisip niyang gawing kakaiba at masaya ang pagtuturo niya at gumawa ng sining mula sa pagkain. Tinuruan niya ang kanyang anak kung paano ang tamang hiwa ng sashimi at ang pagtuturo niya ay naging masayang pag-aaral at nakagawa siya ng mga kamangha-manghang art pieces. Hindi mo lang ito matitikman kundi mamamangha ka sa sining gamit ang sashimi.