Ang 29 taong gulang na si Kanat Nurtazin, mula sa Kazakhstan, ay naghahanap ng mapaglilibangan kung saan nag-eksperimento siya ng iba’t-ibang bagay gaya ng pagsulat ng tula, musika at kalaunan ay natigil sa pagguhit. Napukaw ang atensyon ng karamihan maging ang Disney dahil sa kakaibang istilo nito kung saan ay gumagamit sya ng dahon para sa kanyang mga likha.
“Sinimulan ko ang aking proyektong “100 methods of drawing”, at ang leaf-cutting art ang pinakapaborito ko. Dito ko natutunan and paggamit ng iba’t-ibang materyales at technique sa art. Gumagamit ako ng ketchup, pako, gypsum, pagkain atbp.
Noong Taglagas ng 2013, napakaraming laglag na dahon kaya naisipan kong gamitin ang mga ito. Panandalian lamang ang mga dahon gaya ng buhay ng tao kaya naman bibigyan ko ng buhay ang mga ito upang magbigay ng kakaibang kwento.
Nag-iisip lamang ako ng magagandang pagkakataon na nais kong ibahagi sa aking mga tagasubaybay. Ginuguhit ko ito sa dahon at ginagamitan ng cutter. Ang pinakaimportanteng bagay ay ang mahanap ang pinakamagandang lugar kung saan ito kukuhanan ng larawan. At tadaaaaa! Isang kwento na naman ang ating naibahagi.”
Narito ang ilan sa mga likha ni Nurtazin: