Sa likod ng immortal memes ni Juan Furagganan Ponce Enrile Sr., ano nga ba ang kwento ng kanyang buhay?
Si Juan Ponce Enrile, kilala rin sa alyas na JPE o Manong Johny ay ipinanganak noong February 14, 1924 (96 taong gulang) sa Gonzaga, hilagang bahagi ng Luzon. Siya ay anak sa pagkadalaga ni Petra Furagganan at ang kanyang ama ay si Alfonso Ponce Enrile, isang Espanyol na nasa larangan ng pulitiko at kilalang abogado. Lumaki siya sa patnubay ng kanyang Lolo at nakilala lamang niya ang kanyang ama nang siya ay binata na.
Nagtapos siya bilang cum laude ng Associate of Arts noong 1949 sa Ateneo De Manila University. Nag-aral din siya sa University of the Philippines College of Law at nagtapos na cum laude ng kursong Bachelor of Laws. Noong 1953 bar exam, siya ay nasa ika-labing-isang pwesto at may markang 91.72% at nakakuha ng perpektong marka sa Batas ng Pangangalakal.Isa rin siyang iskolar sa Harvard Law School at nagtapos ng Master of Laws, at dalubhasa sa Pandaigdigang Batas sa Buwis.
Buhay Pulitiko
Si Enrile ay kasa-kasama na ni Marcos noong 1965 eleksyon. Una siyang nanungkulan bilang pinuno ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas o Chief of Customs Bureau at pagkatapos naman ng eleksyon ay naging Kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa o Secretary of National Defense mula Pebrero 9, 1970 hanggang Agosto 27, 1971. Samantala, itinalaga naman siyang muli ni Marcos noong Enero 4, 1972 bilang Kalihim ng Tanggulang Pambansa.
Siya rin ang nagsilbing administrador ng Martial Law ngunit pagkatapos ng mahabang panahon ng panunungkulan sa ilalim ng pamamahala ni Marcos, mula sa ka-alyansa ay naging oposisyon at kalaunan ay naging Kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa o Secretary of National Defense sa ilalim ng panununkulan ni Cory Aquino.
Nagisnan ni Enrile ang pitong Presidente ng Pilipinas — Ferdinand Marcos, Cory Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, Noynoy Aquino and Rodrigo Duterte.
Kaya naman hindi maiwasang bansagan siyang “immortal”. Ayon kay Enrile, hindi siya imortal at Diyos lang ang nakakaalam hanggang kailan siya sa mundong ibabaw pero nais pa rin niyang mabuhay hanggang 110 taong gulang.
Immortal Memes
Dahil gusto ni Manong Johny happy tayo, narito ang compilation ng memes patungkol sa kanya:
Credit to their respective owners, sobrang dami na po ng copy kaya di na namin alam kung sinong original uploader. Enjoy!