Napakahirap nga namang lapitan ng mga wild birds dahil oras na maramdaman ka nila lilipad sila palayo sa iyo. Paano pa kaya kapag gusto mo silang picturan? Para naman kay Lisa o mas kilala bilang Ostdrossel, ang pagkuha ng mga larawan ng wild birds ay kanya nang naging full time hobby na nagkaroon pa siya ng set-up ng camera sa feeder para lamang hindi matakot ang mga ibon kapag kinukuhan niya ito ng litrato.
Ang nakakatuwa at nakakamangha pa dito sa kanyang homemade feeder camera set-up ay nakakakuha siya ng malapitan at magagandang picture ng iba’t-ibang klase ng ibon habang ini-enjoy ng mga ito ang masarap na bird feed.
Narito ang ilan sa mga larawan na kuha niya.Talaga nga namang mapapa-wow ka kapag nakita mo ang iba’t-ibang anggulo ng mga ibon.