Iba’t-ibang inspirasyon, dedikasyon pati na rin ang mga materyales na ginamit kada art masterpiece. Maaring gawa ito sa mga mamahaling bagay o di naman kaya ay recycled.
Si Raku Inoe, isang photographer mula sa Montreal, ay nakaisip ng ibang paraan upang maging unique ang kanyang likha. Mula sa mga halaman sa kanyang hardin ay naisip niyang gumawa ng colorful portrait ng mga hayop at insekto gamit ang mga sanga, tangkay, bulaklak at dahon ng halaman. Inspirasyon din ni Inoe ang Ikebana o ang flower arrangement ng Japan.
Narito ang mga detalyadong likha mula sa pagrerecycle ng mga materyales na binibigay ng kalikasan.