Tunay nga namang ang mga aso ang “man’s bestfriend”, pero gustong-gusto parin natin silang inisin at asarin. Sino nga ba naman ang hindi matutuwa kapag nakita ang ekspresyon at reaksyon ng asong binigyan mo ng weird na pagkain para sa kanila, o kaya ay kapag nagpatugtog ka ng weird noises gaya ng mga nauusong challenge sa internet ngayon.
Isa sa mga challenge na iyon ay ang tinatawag na dogwig, ang nausong challenge na ito ay ang paglalagay ng wig na iba’t-ibang kulay at style sa mga alagang aso at kukuhanan naman ng kanilang amo ng picture ang alaga upang ipakita sa mga taong sabik na sabik sa mga cute photos ng mga asong ito.
Alam niyo ba na napag-alaman ng mga researchers na kapag tumitingin tayo sa mga cute photos ng mga hayop ay gaganda ang ating mood at mas tataas ang ating productivity? Kaya ito na ang pagkakataon mo dahil ang mga larawan sa ibaba ang magpapakita sa iyo kung ano nga ba ang salitang ‘cute’.