Fashion! Isang napakagandang bagay na sobra nating iniisip bago mangyari ang pandemic. Ngayon na mayroon nang bakuna at unti-unti nang pinapayagan ang mga tao na lumabas, pwede na ulit natin buksan ang ating mga damitan at maghanap ng pwedeng ipamalit sa gamit na gamit na pajama na lagi nating sinusuot sa bahay. Kailangang maging maganda ang kalalabasan ng damit mo dahil sobrang daming tao ang kailangan mong i-impress paglabas mo ng bahay at siguradong pagtitinginan ka kapag naging lagapak ang fashion sense mo!
Pero kung sa tingin mo ay nawawala ka sa napakalawak na stylish world at hindi mo alam ang karamihan sa fashion trends ngayon at kung paano nga ba maging fashionable, huwag kang masyadong mag-alala. Kahit ano pa ang isuot mo siguraduhin mo lang na hindi ito kagaya ng mga nakolekta naming picture na nasa ibaba.