Sa kagustuhang umiwas sa traffic o anumang hassle sa pagpunta sa mall para lamang mabili ang ilang bagay, mas wais mamili na lamang sa mga iba’t-ibang online shops. Sa ilang click ay aabangan mo nalang ang binili mo sa harap ng bahay ninyo at makakapili ka pa sa napakaraming choices na mayroon sa internet. Samahan mo pa iyan ng Pay-day sale, Mid-year Sale, at kung anu-ano pang sale ang makikita natin online. Meron din namang 50% off, 75%off at may 90% off pa kaya talaga nga namang matutukso ka at mapapabili sa mga online shopping apps na naka-download sa cellphone mo.
Sa pagsho-shopping online, Be careful what you wish for dahil hindi mo malalaman kung ano nga ba ang ide-deliver sa iyo. Lalo na kapag naghahanap ka ng sobrang ganda eh hindi na makatotohanan o kung magpapaloko tayo sa mga low-quality products ng mga scammers. Minsan ay ‘expectation versus reality’ ika nga.
Maaaring makatipid tayo at makahanap ng best sa online shopping pero maaari ring maging disaster ang online shopping experience mo gaya na lamang ng mga kinolekta naming pictures sa ibaba. Alamin natin kung bakit nga ba sobrang nagsisisi sila sa pag-order online.