Home Funny Eggsayting Kyaraben! 🥚🍱

Eggsayting Kyaraben! 🥚🍱

Matutuwa ka kaya kung araw-araw itlog ang pagkain mo?  Isang nanay ang nagpamalas ng kanyang galing sa paghahanda ng pagkain gamit ang itlog bilang main dish. Swak na swak ang artikulong ito lalo na kung may bulilit kang kasama. Kung mahilig ka naman sa itlog at nasa egg diet, kahit araw-araw itlog ulam basta ganito kaganda ang preparasyon ay matatakam kang talaga!

Alam ng mga nanay kung gaano kaarte ang mga bulilit nila pagdating sa pagkain. Pahirapan kung paano nila makukumbinsi ang mga bata sapagkat hindi lang lasa ang importante kundi pati na rin ang presentasyon ng pagkain.

Kaya naman dapat ay maging bihasa ang mga nanay kung paano nila mapapakain ang kanilang mga bulilit. Kanya-kanyang istratehiya lang ‘yan. Isang nanay ng tatlong bulilit  mula sa Tokyo, Japan ang nagpamalas ng kanyang galing sa preparasyon ng pagkain at tiyak na pati ikaw ay matatakam. 

Ang nanay na ito ay si Etoni Mama. Siya ay may mga anak na may edad na 11, 9 at 7,  na maswerteng nakakakain ng makukulay at mga pagkaing hango sa mga cartoon characters. Ang talentadong nanay ay walang pormal na pagsasanay sa preparasyon ng pagkain ngunit bihasa siya sa paggawa ng kyaraben o mas kilala sa tawag na character bento.

Ang kyaraben ay isang lunchbox food style  kung saan ang pagkain ay nakaayos ng ayon sa karakter, halaman o hayop na nais nila. Bagamat mahirap gawin ang kyaraben, maning-mani lang ito para kay Etoni. 

Matapos engganyuhin ng katrabaho, ibinahagi ni Etoni Mama ang kanyang mga likhang kyaraben sa Instagram. Sa ngayon ay may 130k followers na si Etoni. Nakapaglathala na rin siya ng cookbook tungkol sa mga likha niyang pagkain upang matulungan na rin ang kapwa niya nanay sa pagpapakain ng mga bulilit. 

Narito ang eggstraordinaryong kyaraben ni Etoni :

#1

#2

#3

#4

#5

#6

#7

#8

#9

#10

#11

#12

#13

#14

#15

Back1 of 6

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Hayop na Recycling Skills

Iba't-ibang inspirasyon, dedikasyon pati na rin ang mga materyales na ginamit kada art masterpiece. Maaring gawa ito sa mga mamahaling bagay o di naman...

Bida – Kontrabida na parang Yin at Yang ☯️

Si Dada ay isang talentadong mangguguhit gait ang kanyang color pencils at mahilig siya sa  Disney. Kaya naman hindi nakakapagtakang karamihan sa mga artwork...

Cute na Graduation Pictures ng mga Doggo

Sino ba ang hindi nakakaalam sa phrase na "Dogs are man's bestfriend"? Hindi natin maikakaila na ang mga aso ay parte na ng buhay...

20 Mapanganib na Beaches sa Mundo

Alam Niyo Ba kung ano ang pinakapaboritong get-away plan ng teenagers, employees o family? Syempre ang magtampisaw o lumangoy sa beach! Wala nang mas...

Alamin Ano Nga Ba ang Absolute Units?

Pamilyar ka ba sa tinatawag na absolute units? Galing ito sa intenet culture kung saan inilalarawan ang mga bagay o hayop na sobra sa...

Nakakamanghang Food Art mula sa Sashimi

Isa ka ba sa mahilig sa sashimi?  Isang culinary artist si mikyoui00. Bagamat walang edukasyon tungkol sa sining, ay nais turuan ang kanyang anak...

Hot Stories

Creepy o Nakakadiri???

Sa sobrang pagkahumaling natin sa Internet, minsan kailangan natin ng distraction. Paano nga ba natin magagambala ang mga busy sa Tiktok, FB, games at...