Isang artist ang gumawa ng illustration at animation ng pets gamit ang istilong mala-Disney. Tinatawag itong Disneyfication na ayon kay Isa Bredt, ay isang uri ng paglalakbay kung saan ang isang hayop ay napupunta sa mundo ng animation. Sa pamamagitan ng kanyang proyektong Pet Disneyfication, ang mga alagang hayop ay binago niya hango sa Disney.
Binigyang linaw naman niya na hindi siya nagtatrabaho sa kompanya ng Disney. Mahilig lang talaga siya sa Disney at paborito niya ang Lion King. Nais niyang iensayo ang pagguhit gamit ang Disney style kaya naman inaalok niyang iguhit ang mga alagang hayop ng mga tao. Ipinapadala ng mga ito ang larawan na sya namang iginuguhit ni Bredt. Ginagawa niyang part-time ang pet disneyfication kapag free time niya at umaasa siyang ang mga likha niya ay makatulong upang makahanap ang mga ito ng kanilang FURever home.