Sino ba ang hindi nakakaalam sa phrase na “Dogs are man’s bestfriend”? Hindi natin maikakaila na ang mga aso ay parte na ng buhay natin ang ang nag-iisang nilalang sa mundo na mas mahal pa tayo kaysa sa sarili niya. Bukod sa pagiging loyal at masayahin, isa din ang aso sa pinakamatalinong hayop na kung palalakihin at tuturuan ng maayos ay matututo ng mga basic commands gaya ng sit, stay, shake hands at kung anu-ano pa.
Ngunit gaano man natin gustuhin na turuan ng mga advanced na commands ang mga aso, alam naman natin na hindi ito ganito kadali at kadalasan ay hindi satin nakikinig ang mga alaga natin na talaga namang makukulit. Ngunit alam niyo ba na mayroong mga puppy schools na nagtuturo ng basic na command, obedience class, at iba pang mga advance na skills? Kadalasan din sa mga school na ito ay nagbibigay ng mga training certificate matapos ang training session at minsan pa ay mayroong graduation cermony ang mga alaga natin na may kasama pang caps at diploma? Para talagang mga estudyante diba?