Sa panahon ngayon iilan na lamang ang nakakalabas ng bahay na may ‘natural na ganda’. Halos karamihan ay gumagamit ng makeup upang ma-enhance ang kanilang ganda at ma-boost na rin ang kanilang confidence.
Isang cosplayer mula sa Orlando, Florida ang nagpatunay sa kapangyarihan ng makeup. Kayang baguhin ni Alyson Tabbitha ang kanyang itsura base sa karakter na gusto niya, babae man o lalaki. No exception, ika nga nila.
Halina at mamangha sa power of makeup! Ibang level na cosplayer itong si Tabbitha!