Buryung-buryo ka na ba sa buhay mula nang mag-lockdown? Bukod dito, sigurado akong kating-kati ka ng gumala at magwaldas ng pera. Pero paano kung di mo afford o di naman ay takot kang mahawa sa virus kaya nanaisin mo na lang tumambay sa bahay hanggang sa maging okay na ulit ang lahat?
Halina at lakbayin ang mundo sa tulong ni Oliver at Jano! Sila ang dalawang magkaibigan mula sa Germany na palaging nakararamdam ng kagustuhang gawin ang kanilang misyon. Ito ay ang dalhin ang piraso ng napakagandang mundo sa pamamagitan ng kanilang breathtaking photography.
Ang bawat larawan na kuha ng adventurous duo na ito ay mistulang aerial photocard ng pinakamagagandang tanawin sa mundo. Maaari mo ring makita ang buong koleksyon sa kanilang Instagram account na World Walkerz na mayroong 87.5k followers na bumabalik-balik para sa kanilang daily virtual trips.
Tunghayan natin ang magagandang tanawin na mayroong unique heritage, landscape at culture.