Si Dada ay isang talentadong mangguguhit gait ang kanyang color pencils at mahilig siya sa Disney. Kaya naman hindi nakakapagtakang karamihan sa mga artwork niya ay mga karakter ng Disney.
Sa sulating ito, ipinakita ni Dada16808 ang kanyang ‘mashup drawing’ tungkol sa mga bida at kontrabida ng mga Disney movies. Ayon sa kanya, “Gusto kong gumuhit ng mga karakter ng mga bida at kontra-bida sa iisang mukha.” Lahat tayo may lihim na katauhan at sa huli, tayo pa rin ang mamimili kung ano ang mas mananaig sa atin: maging bida o kontrabida?