Alam naman nating lahat na isa ang obesity sa problema na lalong lumalala habang tumatagal. Sa US palang, halos 2/3 ng adults o halos 68.8% nila ay naconsidered na overweight o obese. Marahil isa sa mga factors nito dahil sobrang daming fast food sa kanila at di natin maikakaila na mas mahal pa ang mga salad kaysa sa mga burgers na tinda. Samahan mo pa ito ng walang exercise at magbilang ka lamang ng ilang buwan ay talagang lolobo ka na.
Ngunit sa panahon ngayon ay dumadami na ang mga health campaigns at healthy options na maaring pagpilian lalo na sa pagkain. Mahirap man magpapayat gaya ng sinasabi ng karamihan (well, mahirap din kaya magpataba.haha), madami pa rin talagang mga tao ang nagsikap na mapabuti ang kanilang kalusugan na talaga namang bunga ng disiplina at commitment.