Karaniwan sa German Shepherds ay malalaking lahi ng aso na mula sa Germany. Ngunit sa kalagayan ni Ranger, siya ay nakatadhanang maging maliit habangbuhay sapagkat siya ay may rare genetic condition na pituitary dwarfism kung saan ang pituitary gland ng katawan ay hindi nakakalikha ng sapat na growth hormones.
Si Ranger ay may dalawang kapatid. Si Hazel na Labrador at Jessie na German Shepherd. Habang ang dalawa ay mas malaki kaysa kanya, hindi ito hadlang kay Ranger upang makihalubilo sa mga kapatid. Dahil sa kanyang kondisyon, ang dalawang taong gulang na si Ranger ay mas maliit kumpara sa ibang German Shepherd na kaedad niya at mukhang siya ay tuta lamang.
Si Ranger ay maliit ngunit may malaking puso at mahal siya ng kanyang mga magulang.