Alam Niyo ba na ang mga litratista ng National Geographic ay may kakaibang galing sa pagkuha ng mga litrato? Siguradong mapapahinto ka sa ginagawa mo dahil ang madalas nilang tema ay ang mga hayop na sa tingin natin ay imposibleng makuhanan basta-basta ng kahit sinong litratista sa buong mundo. Ngunit walang imposible sa mga magagaling na taong ito. Kahit ang eksaktong pagkuha ng lion sa kanyang anak gamit ang kanyang bunganga ay kaya nilang bigyan ng kakaibang buhay.
Narito ang ilan sa mga litrato na tiyak na magpapamangha sa iyo at magtutulak sa iyo na kumuha ng kursong Potograpiya at sisimulang lakbayin ang buong mundo.
Halina at tuklasin ang ganda ng Animalandia!