Home WTFacts 20 Mapanganib na Beaches sa Mundo

20 Mapanganib na Beaches sa Mundo

Alam Niyo Ba kung ano ang pinakapaboritong get-away plan ng teenagers, employees o family? Syempre ang magtampisaw o lumangoy sa beach! Wala nang mas sasaya pa sa pagbibilad sa araw, paggawa ng sand castle, pagtatampisaw sa dagat, at pakikipag-bonding sa pamilya o kaibigan lalo na sa tagal ng lockdown na ating naranasan. Deserve ng lahat ang magrelax, unwind at i-enjoy ang kalikasan.

Ngunit dapat isaalang-alang din natin na ang bawat beach ay may kanya-kanyang ganda at tiyak na may tinatago rin itong kapahamakan. Mula sa pagkakaroon ng liblib na kweba, malalakas na alon, dikya, pating at iba pa. Ngayon ay tingnan natin ang iba’t-ibang mga beach na iaalis mo na sa listahan mo, o kung ikaw naman ay matapang at naghahanap ng thrill, ito na siguro iyon.

1. Mindanao Island (Philippines)

Kapag inisip mo ang timog na bahagi ng Pilipinas, ang unang maaalala mo ay ang malilinis na beaches kasunod ng malinaw na tubig na siyang perfect para sa snorkeling. Subalit nitong mga nakaraang taon, ang Pilipinas, particular na sa Mindanao Island ay nahihirapan dahil sa mga aktibidad ng terorista.

2. Darwin (Australia)

Ang ilang mga beach sa Darwin ay hindi pwedeng paliguan o kahit bisitahin manlang lalo na sa ilang pagkakataon ng taon. Kailangan mong mag-ingat sa makamandag na dikya, at mga buwaya sa loob ng isang taon. At oo, may mga pating din. Dahil sa napakalaking populasyon ng buwaya sa lugar na ito, ang mga beach ay pinoprotektahan ng traps at rangers. Mas mabuting mag-stay ka nalang sa mga beach na binabantayan ng mga rangers at makinig sa advice ng lifeguards.

3. Utakleiv Beach (Norway)

Ang mabatong beach na ito ay malapit sa Lofoten Islands na malapit sa Arctic Circle. Ibig sabihin ang tubig dito ay napakalamig at umiikot ito sa 8-18 °C, na magiging dahilan ng pagkakaroon ng hypothermia. Kung nais mo naman ng romantic rocky beach getaway ay perfect ang lugar na ito samahan mo pa ng magandang Northern Lights display view.

4. Praia da Boa Viagem (Recife, Brazil)

Sikat ang Recife sa mga beach nito at regular shark attacks. Simula noong 1992, nasa 56 katao na ang namatay dahil sa pag-atake ng mga pating. Sobrang kilala rin ang beach na ito dahil isa ito sa mga lugar sa buong mundo na may highest fatality rate, at hindi bababa sa 37 percent.

5. Fraser Island (Australia)

Ang beach na ito ay matatagpuan sa Queensland. Ito ay napakayaman pagdating sa wilderness at real threats! Ito rin ay sikat pagdating sa dingo attacks, spinal injuries at nakakamatay na dikya.

6. New Smyrna Beach (Florida, USA)

Ang beach na ito sa Orlando ang may naitayang pinakamaraming shark attacks sa buong mundo. Mula 2013, tinatayang 240 shark attacks ang nangyari. Dahil ang mga pating sa lugar na ito ay black-tip  reef, karamihan sa mga atake ay hindi nakakamatay. Ang species na ito ay kilala dahil sa pagiging maliit. Ngunit makakabuti pa rin kung lumayo sa nakakatakot na  tubig.

7. Gansbaii (South Africa)

Ito ay isang beach sa Capes Town na malapit sa kilalang Shark Alley. Nakuha ng alley ang kanyang reputasyan mula sa mga Great White  Sharks na umiikot sa isla 24/7 at lumalangoy sa makipot na daan sa kanilang pagitan.

8. Copacabana Beach (Rio de Janeiro, Brazil)

Binibisita ang Rio ng libo-libong turista taon-taon dahil sa sikat na beaches nito at lingid sa kaalaman nila ang dalang panganib nito dahil sa mataas na konsentrasyon ng bacteria. Habang umiinom ka ng masarap na cocktail ilagay mo sa isipan mo na kahit makainom ka lang ng tatlong kutsarang tubig mula dito ay maaari ka ng magkaroon ng virus.

9. Cape Tribulation (Queensland, Australia)

Iisipin mong napakaganda ng lugar na ito pero tahanan ito ng mga makamandag na ahas, stinging trees, nakakalasong dikya at mga buwaya. Hindi rin nirerekomenda na bumisita rito ng walang local guide. Hindi rin nagtatapos sa mga buwaya ang panganib dahil mayroon ring mga ibong cassowaries na kahawig na ostrich  na lumalaki ng higit sa 160 pounds. Maaari din silang maging agresibo.

10. The Red Triangle (California, USA)

Ang Red Triangle, kung saan nangyari ang lahat ng 38 percent ng pag-atake  ng mga pating sa United States. Ang baybayin mula sa Bodega Bay Hanggang sa North big Sur ay sikat sa regular na pag-atake ng mga pating. Taliwas sa sikat na paniniwala, hindi nagpupunta ang mga pating dito dahil sa mga surfers at beach goers. Pumupunta sila dito dahil sa mataas na populasyon ng mammals tulad ng sea otters, seals, sea lions, at elephant seals. Kayat palaging may makikitang pating sa lugar na ito.

11. Kilauea (Hawaii, USA)

Kilala ang Hawaii dahil sa mgagandang beach at magandang panahon ngunit mas kilala ito dahil sa aktibong Kilauea volcano. Mula 1983 ay naging aktibo ang bulkan at 6/5 mile lava flow ang tumatapon sa dagat. Sa kabila ng magandang tanawin, pinapaalalahanan ng mga scientists ang lahat na mag-ingat dahil ang mga steam vents ay maaaring magbuga ng lava. Maaari ring tumilapon ang mga bato kaya’t mabuting huwag itong lapitan.

12. Acapulco (Mexico)

Kapag narinig mo ang salitang Acapulco ay maiisip mo ang magagandng beaches, masasarap na pagkain at beachfront hotels pero huwag mo ring kakalimutan na ang lugar na ito ang Mexico’s murder capital. Ang halos dekadang karahasan na pumapaikot sa siyudad na ito ay resulta ng drug carters at wars. Kasama sa karahasang ito ang carjacking, ilang nakawan at high rate homicide.

13. Staithes (UK)

Ito ay popular dahil hindi ito nagtagumpay na abutin ang European water-quality standards. Ang beach na ito na makikita sa Yorkshire ang isa sa pinaka-polluted na beach sa buong kontinente dahil sa sewage drop. Maaaring mag-paddling dito ngunit responsibilidad mo kung may mangyayari sa iyo.

14. Bikini Atoll (U.S. Marshall Islands)

May pinanghahawakang nakakamatay na kasaysayan ang lugar na ito. Dito tine-testing ng U.S. army ang mga nuclear weapons sa loob ng ilang taon mula 1964 hanggang 1958. Ang lahat ng 23 na isla rito ay mayroong radiation na iba-iba ang lebel. Ang lupa sa lugar na ito ay kontaminado kaya ang lahat ng tumutubo ay hindi pwedeng kainin at ang turismo ay limitado lamang.

15. Reunion Island (France)

Matatagpuan sa silangang bahagi ng Madagascar ang tropical island na mas kilala bilang Reunion Island. Ito ay pinakakilala sa pagiging worth it sa surfers. Ngunit ang isla ay tahanan rin ng mga pating na siyang naging dahilan kung bakit normal nalang ang pag-atake ng pating sa mga tao.  Ngayon ay mas naging laganap ang pag-atake ng mga pating at may 8 nang namatay dahil dito. Mula noong 2011 ay mayroong 20 sharks attack. Isa sa pinakakilala ay noong namatay ang isang 13-year old na lalaki dahil dito.

16. Amazon Basin (Brazil)

Walang dudang ang Amazon River ang isa sa pinakakilalang ecotourism destinations.  Sa ganda ng ilog na ito ay gugustuhin mong tumalon at lumangoy ngunit pigilan mo kung ayaw mong makain ng mga isdang may matutulis na ngipin. Piranhas ang tunay na panganib sa lugar na ito sinusundan ng electric eels, at anaconda. Mayroon din ditong Candiru na maaaring pumasok sa kahit saang butas sa katawan mo.

17. Cairns (Australia)

Isa sa napakagandang beach sa Australia ngunit ito ay tirahan ng mga hapon na nakaka-sting. Sa kalagitnaan ng November at June ang panahon ng stinger season at kahit saan ay makakakita ka ng jellyfish. Iba’t-ibang stings ang makikita sa lugar na ito tulad ng Irukandji at Chironex fleckeri jellyfish na nakamamatay.

18. Girgaum Chowpatty Beach (Mumbai, India)

Isa sa ikinasasakit ng ulo ng Mumbai ay ang kanilang untreated sewage. Tinaguriang isa sa pinaka-polluted na beaches sa buong mundo ang Girgaum Chowpatty beach, na mayroong napakataas na konsentrasyon ng fecal coliform bacteria sa tubig at buhangin.

19. Playa Zipolite (Mexico)

Kung iniisip mong magbakasyon sa isang maganda at isolated na beach maaaring ang Playa Zipolite na nga ang hinahanap mo. Ngunit ang beach na ito ay tahanan ng malalakas na alon kaya’t maraming naitatalang pagkalunod sa lugar na ito.

20. Hanakapaiai Beach (Kuai, Hawaii, USA)

Isa sa pinakadelikadong lugar na paglanguyan ang may malalaking alon at bumubulusok na tubig at hindi mo gugustuhin na tumalon o lumangoy dito pwera na lang kung ikaw ay isang professional swimmer. Mula 1970 ay 29 na ang naitalang namatay dahil sa pagkalunod.

Previous articleHayop sa Genes
Next articleSinumpang Computer Setup

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Cat Invasion

Alam nating lahat na ang mga pusa ay mahilig umupo at sumiksik sa mga gilid-gilid kung saan sila kasya pero kung magiging kasinglaki sila...

Mga Larawan ng Artista Kasama ang Body Doubles Nila

Alam mo yung feeling kapag nasa supermarket ka para mag-grocery tapos may lalapit sayo at sasabihing, “Uy di ba ikaw yung sikat na artista?”...

Pagbuburda ni Shimunia, Hanep sa Ganda!

Si Vera Shimunia ay isang Russian na may kakaibang talento sa pagbuburda. Ang kanyang mga likha ay talaga naman nakakamangha sapagkat hindi lamang ito...

Hayop na Recycling Skills

Iba't-ibang inspirasyon, dedikasyon pati na rin ang mga materyales na ginamit kada art masterpiece. Maaring gawa ito sa mga mamahaling bagay o di naman...

Nakakalito, Nakakahilo…

Naranasan mo na bang mag-dalawang tingin sa isang bagay? Yung tipong nakita mo na pero binalikan mo pa ng tingin para maintindihan mo o...

Rarest Cars sa Buong Mundo

Isa sa pinakamahirap kolektahin ang rare cars dahil sa halaga nito. Maaring bihira ito dahil kaunting models lamang ang ginawa, o dahil sa edad,...

Hot Stories

Creepy o Nakakadiri???

Sa sobrang pagkahumaling natin sa Internet, minsan kailangan natin ng distraction. Paano nga ba natin magagambala ang mga busy sa Tiktok, FB, games at...